Kasarinlan



KASARINLAN
by jlzc, June 12, 2020

Dose ng Hunyo, bukang liwayway,
Sikat ng araw, liwanag taglay!
Mula Abra hanggang sa Zamboanga,
Salot ng dilim, di mapayapa!

Sakit patuloy lumalaganap.
Sistema at solusyon, mailap.
Iba-ibang mga deklarasyon
Kaguluhan ng administrasyon!

Dayuhan patuloy sinasamba.
Mapangaping batas terorista!
Panakot at dahas sating bayan.
Kawalan, likas na kayamanan!

Hanggang kailan, O Bayang Magiliw?
Sa manlulupig, DI NA PASISIIL!

Comments